Monday, June 18, 2012


Mahatma Gandhi once said..

"Victory attained by violence is tantamount to a defeat, for it is momentary."

So parang talo ka din sa laban kung gagamit ng karahasan (naks ang lalim!). Pero ang tao nga naman nde makapag move on kapag nde nkakaganti. Parang kulang ba. Ung tipong naapi ka tapos un n lng yon? Bawal gumanti? So parang feel free na api-apihin kna lang?

Para saken mas gugustuhin kong gumanti :) Bkit? Para matahimik kaluluha ko. Haha! Well xempre ano namang karapatang api-apihin ka db? Lalo na kung alam mo nmn na tama ka. Or kung alam mo na may punto ka na nde nila iniintindi. 

Naaalala ko tuloy nung nagkaroon ng conflict before. Speculations. Misunderstanding"S". Kampihan. Ayaw makinig. Ayaw magtanong. Ang pinakamahirap sa lahat, nde mo maishare sa iba kasi may priniprotektahan ka. Nde n nga ung sarili mo eh. Iba.

Masakit pa non nde ka pwede gumanti. Kapag nag fire back ka, masama kna. Ung kikimkimin mo n lang lahat ung galit na minsan sumasakit n literal ung dibdib mo sa sama ng loob. Totoo pla na merong ganon. Sa sobrang tindi ng sama ng loob sumasakit puso. Kala ko sa pelikula lang uso un eh.

 
Ang misunderstanding malala pa sa buntis. Ang buntis 9months bago lumobo. Pero ang maling tsismis ilang segundo lang nakakalat na, worst? Fabricated. Natawag n din akong BITCH (nde talaga ako makapag move on sa accusation na to). Nde dhil sa misunderstanding. Kundi dahil sa tingin nila alam n nila ung buong storya ng prublema. Hay.... Nung mga time na un gusto ko n lng maging masama. Para makaganti lng ba in return. Ung tipong sa sobrang galit gusto ko lumaban sa mga nambabatikos saken. Pero at the end nanahimik lang ako. 

Eh bakit pa ako nagsusulat nito sa BLOG? Naisip ko din.. Kasi saken up until now nde ko kayang magpatawad. Sabi nga saken "grabe ka naman.." bakit? Nde lang ako naagawan ng lollipop, nde lang simpleng bullying un. Ang hirap magpatawad sa mga naibato saken na batikos. Na every time na narerecall ko ung nangyari nanginginig pa din ako sa galit. Same feelings nung unang beses akong nagalit talaga sa kanila. Ishinare ko ung story na to nde para makakuha ng sympathy. Kungdi para mabawasan nmn kahit konti ung galit na dinadala ko pa din up until now. 

Oo siguro kelangan ko din nmn magpatawad. Pero sa tingin ko nde pa ngayon. Habang sinusulat ko nga to nanginginig nnmn ako sa galit. :| Pero one thing for sure, the next time na pag tulungan nnmn ako, LALABAN AKO. Nde ako lalaban xempre kung mali ako. Pero kung tama, bakit nde lalaban? Nde na ko tatahimik. 

Sabi pa din ni Mahatma Gandhi 
 It is better to be violent, if there is violence in our hearts, than to put on the cloak of nonviolence to cover impotence. "

Inner Peace.... I need one..

No comments:

Post a Comment